Friday, August 1, 2008

GUILTY!! no comment...


Di pa natapos ang araw nang biyernes sa akin pero may nakakaloka nang nangyari. As always, 5:30 am gising na ako kahit madaling araw na ako natutulog, nakasanayan na nang katawan ko magising nang ganyang oras.

As usual, every friday tinatawagan ko labs Marko ko, dahil every weekend di ako mahahagilap dito sa bahay. Passed 10:00am Canada time, tinawagan ko siya... we talked for about more than an hour hanggang sa maubos ung $2.50 na phonecard ko.

Okay naman ang conversation namin... himala nga e, alang LQ. Okay naman daw sila and my baby. Ayun kahit ano ano lang ang pinag uusapan, labyu dito; labyu jan... mishoo labs; mishoo u too mama... yang mga ganyang tipo na conversation lang that makes LDR works.

"You have 60sec. more" -- sabi nang operator. Pag yan na ang maririnig namin madalian na ang usapan dahil di mo mamalayan wala kana sa linya in a minute. As we end up our conversation, nag paalam ako sa kanya na I will spend my weekend sa house nang friend ko and siya naman nag paalam na ipapasyal niya daw bugoy namin si Kirk, at the end isa lang ang point YOU KNOW WHAT TO DO, that line means a lot... linya pa yan nang dadi ko na ngayon ginagamit na namin ni Mark sa isat-isa.

That was the end of our conversation and I thought maganda na yung conversation namin. I was wrong again, lagi na lang ako sapul. hahaha

I found my self GUILTY, yeah GUILTY.

This is all about finacee Mark reaction sa last post ko "frustrated Macho Chaser". Yah, as in object to the honor talaga ang drama nya... wahaahaha.

I know fiancee Mark, knows bout my blogging habbit and I know minsan dumadalaw siya, nakikibasa at nagkokomento. Ang mali ko lang sa sobrang kompyansa ko akala ko bibihara lang siya dumadalaw, e kasi nga di naman siya nakakapag net nang madalas dahil busy sa trabaho, without knowing napapadlas na pla ang dalaw niya to read at mag react bout it.

Di ko naman kasi sinasabi sa kanya bout my post, gusto siya ang makakabasa mismo and I don't have fears kung nababasa niya kasi ala naman akong maling ginawa, kung ano man yung na ipost ko that's ME, walang labis; walang kulang...kaya kung mababasa niya ay kalandian, ako rin yun...wahahaha. Seriously, dapat alam na niya na may landi factor fiancee nya... hehee, pro as what I've known I AM NOT VULGAR in my post here, dba?

Natatawa lang kasi ako, my lasy post "frustrated Macho Chaser" is all about my dad and how I was sad and frustrated when dadi loose his almost perfect body and how I love macho guys. Sinamahan ko lang nang konting landian para di maging boring post ko.

But I feel guilty, when I saw fiancee Mark reaction/objection and so sa cbox ko... Akalain mong biglang dumalaw at nataon pa na ang post ko ay medyo may landian effect, and mind you guys... I've mentioned something pa like this...


... kaya kung sino ka man at alam mong may dating ka for me, pakilala ka naman oh... before I'll say I DO, nyahahaha... naku, ayan lumandi na, ala naman si Mark sa paligid. lolz


Can you see, caught in the act ang bruhang adik sa kalandian, kung hindi ba naman ako gaga. But anyways, wala yun sa akin, no big deal... I just express what I want, di yun pangangaliwa huh!?

Eto ang shocking reaction ni finacee Mark... copy paste ko na lang from my cbox:


1 Aug 08, 11:30papa marko: ikaw bantay ka lng..ano yang gna pantasya mo dyan...ingatka lng sa kin pag maka usap kita..wag ka ganyan pangit tingnan relax ka lng sa ganyan bagay..luv u mama ingat palagi..!!!relax


Oh dba? kakaloka ang komento nang mahal ko. Na isip ko tuloy kung tatawag ako sa lunes, malamang sermon abot ko. Jusko, kakaloka ka labs ko...


Para kay labs Marko,

Sa lahat nang yan, walang makakatalo sayo. Dahil kung sila ang pinagpapantasyahan ko sa araw, IKAW naman ang pinagpapantasyahan ko sa pagtulog at sa pag gising ko sa umaga.

Your always in my mind, kaya wag kanang mag selos jan...mag palaki kana lang nang katawan jan para pagumuwi ako... sulit ang pagtitiis ko nang dalawang taon.

Nagmula kay labs Vera


Guilty... guilty! no cmment

2 comments:

Anonymous said...

ayan! sabi ko sayo kase.....

umayos ka! hehhe...
oki lang yan, si papa mark naman eh mukang understanding...
nako... kung alam nya lang!

ehehehehe...joke!
ihahahha....anu ka ba.
sa susunod maging engat ka na...hihihii...

Anonymous said...

OO nga ayan kasiiii...hahaha! Kilala ka naman ng fafa marco mo siguro kaya 'ala siya dapat ipag-alala. kasi ikaw eh...hahaha! inulit!