Monday, August 11, 2008

long distance relationship...




Everybody knows who that guy (Mark) is in my life. Everybody knows how much I loved him as much as he do. Everybody knows that I'm so into him. But everybody doesn't know how much I missed being intimate with Mark for the past 1 yr and 7mons.


I'm not stupid to say, I didn't miss Mark. If I have one chance, one wish tonight... my wish is to have ONE-NIGHT-STAND with him.





ONE-NIGHT -STAND
(vErAdIk)

Kelan kita huling nakita?
Alam ko pa ba ang iyong itsura?
Kelan ko ulit masisilayan ang iyong mukha?
Sana kahit isang gabi man lang, makita kita.

Kelan kita huling nakausap?
Kagabi lang diba?
Tila parang ang layo mo kapag kausap kita.
Kahit isang gabi man lang, makausap kita nang harapan.

Kelan kita huling kinagat?
May marka pa ba ang iyong braso?
Hanggang ngayon nangigigil parin ako.
Sana kahit isang gabi man lang, hayaan mo akong kagatin ka.

Kelan kita huling pinasaya?
Palagi naman diba?
Ang sarap nang pakiramdam na lagi kang masaya
Sana kahit man lang isang gabi, mapasaya kita dahil kasama mo ako.

Kelan kita huling pina-iyak?
Wag mo sabihing madalas.
Hindi ko kayang paiyakin ka mahal ko.
Sana kahit isang gabi man lang, magawa kitang pa-iyakin sa tuwa.

Kelan kita huling nakayakap?
Kasing higpit parin ba tulad nang dati ang yakap mo?
Gusto ko maramdaman ang yakap mo araw-araw.
Sana kahit isang gabi man lang, mag kayakap tayo sa dilim.

Kelan kita huling na halikan?
Kagabi lang diba? Goodbye kiss sa telepono.
Hindi sapat ang lahat, kulang.
Sana isang gabi man lang maramdaman ko ang labi mo sa labi ko, na tila ayaw mag pa-awat.

Kelan kita huling nakasama sa dilim?
Kilala mo pa ba kung sino tayo sa dilim?
Hinahanap ko ang init nang katawan mo, sa gabing malamig sa kinaroroonan ko.
Kahit isang gabi man lang, magkasama tayo sa dilim, magkayakap at masaya.

Kelan kita huling minahal?
Walang segundo na hindi kita minahal, walang araw na hindi ikaw ang laman nang puso ko.
Dahil ikaw at ikaw ang pag-ibig ko.
Sana kahit isang gabi man lang, masabi at maipakita ko sayo kung gaano kita ka mahal.

7 comments:

~ leonore aquino ~ said...

Hay ang sakit naman non! :)

vErAdiK said...

@mamiLeonore

hay naku ate... masakit tlga dahil sobrang miss ko na si papa marko!

musta po ikaw?
ingats po palagi!

Anonymous said...

awww...emo emo gurl ka ngayon sis. Hmm, kelan ba uwi mo? lapit naman na ata kayo magkikita eh.
Oo nga pala sis, dito ka na lang dumalaw ha, bubuhayin ko uli site ko. Thanks!!! ingat lagi.

Anonymous said...

teh...gabi na... nagemote ka pa pala..lol. joke lang...


naman, kung ako kausap mo teh, sasabihin ko sayo, no to LDR. hahaha... ayoko nun eh... pero pag sayo, go lang ako! diba...


anung masasabi mo teh sa bago kong lay out???? pinaghirapan ko ng one day yan teh...hahahaha... palit ka na din gusto mo? hahaha...


grabe...masakit ulo ko cge pa ko comp..hihi...


goodmorning sayo.............!

vErAdiK said...

@nona

uu nga, emo gurl ako today! na miss ko bigla c labs ko e... kaya ayan nakagawa ako nang poem!

cge sis! buhayin mo ulet! at ako ang unang dadalaw sayo!

ingats din jan!

vErAdiK said...

@ stan

hoi, oo nga! good morning!

nag emote emote nnman ako stan, huhu..miss ko c papa mark e! hehehe

layout? langya ka tlga...asar ka! inggit tuloy ako! buwahahaha

i love it stan!
bring it on!

ok lang yang sakit nang ulo..sulit nman e, dba? hehehe

Unknown said...

naks...iba talaga ang inlove..hhehehe..

btw sis, i'm tagging you here.