Monday, September 8, 2008

NAUGHTY weekend...





Naughty weekend, walang magawa sa bahay. Last Saturday, nasa bahay lang ako buong araw. Niyaya ako nang bestfrend kong lumabas after her work pero di ko siya pinaunlakan, wala akong mood to go out, umuulan at malamig.

Tinamad ako lumabas nung Saturday, instead, nilinis ko ang magulo kong kwarto, nag linis-lins din ako nang bahay. After doing my chores wala na akong ginawa kundi matulog, kumain, emot-emot at kung ano-ano pa, until na feel ko ang boredom. Hirap talaga pag nasanay sa gala, di na ako sanay na nasa bahay na lang. (sigh)

Kaya nung araw nang Linggo, pinasya ko nang tawagan ang bestfriend ko at inaya lumabas at mag ikot-ikot sa mall. Ma-ulan parin ang araw nang Linggo, pero kahit malamig na tuloy parin kami nang aking bespren.

Hapon na kami nag kita sabus terminal at sabay na pumunta sa mall. 2 weeks din kaming walang communication dahil busy siya sa work, kaya walang katapusang kwentuhan nanaman ang drama namin. Kahit dalawa lang kami, parang amin ang mundo sa tawanan, hampasan at kulitan. Daming chikka ni bespren.

Bago pa man na-punta sa pagiging "naughty weekend" ko/namin, dumaan muna kami sa isang men's apparel. Since season end na, it means... season sale nanaman. And it's true, sale nga sa men's apparel na pinuntahan namin, West Coat. Pagkakataon nanaman namin mamili nang mga kung ano-ano para sa aming mga fafa.

Ayun nga, kahit budgeted lang ang aking pera... sa sobrang sale nakabili ako nang 3 shirts for only $4 each, from the original price of $22, bonggang bongga diba?



















After buying some stuffs, at bumili nang pasalubong na poporn sa aming mga alaga, sa tapat nang pabilihan nang popcorn may isang tindahan na makulit... "naughty store"!

Eto pa ang nakasulat na babala sa tabi nang mga bawat product nila, buti na lang walang guard na para mag tanong nang edad ko, hehehe.

Cool stuffs meron sila. Isang portion lang ang naka-agaw pansin sa amin nang bespren ko, di kasi kami dito pumapasok sa tindahan "SPENCER GIFT" kahit halos tindahan sa mall na ikot na namin, first time lang namin 'to.

Para kaming mga baliw sa aming nakita, parang mga neneng inosente. Sa sobrang curious, binuklat namin ang mga ibang books, mga different kinds of books bout "_ _ _". Natatawa kami sa aming mga nakita, ewan ko ba anong nakain namin bat kami pumasok dun, pro infairness ang kulit nang mga pabili nila. Gusto nyu sample? hehehe, kodakan moment kahit bawal ang camera sa loob.















sssshhh!!! no malice, trip lang!

No comments: