Tuesday, September 2, 2008

am waiting for your call...




Isang buwan narin akong ganito. Di mapakali pag ikay iniisip, di makatulog sa gabi sa sobrang pag iisip sa 'yo. Kapag wala nang laman ang utak ko ikaw agad ang susulpot, minsan ayaw na kitang isipin dahil akoy na hihirapan na. Ngunit kahit anong rason at iwas ko sa 'yo di ka nawawala sa aking isip. Habang tumatagal akoy nahihirapan.

Isang buwan na ang nakalipas nung sagutin kita, at isang buwan narin akong ganito. Di ma-intindihan ang sarili sa tuwing na iisip ka. Laging nag lalaro sa aking isipan kung may dapat ba akong ikatakot simula nung sinagot kita? May kelangan ba akong malaman? Kung meron man yun, sayo ko lang dapat itanong yun dahil ikaw at ikaw lang ang makakapag sabi nang lahat nang sagot sa bawat katanungan ko.

Wala akong idea sa lahat nang pangyayari basta ang alam ko kampante ako nung sinagot kita, kahit minsan iniisip ko kung naging tama ba sa lahat nang bagay na sagutin ka. Wala akong pagsisisi sa 'yo ang gusto ko lang marinig ka at malaman ang katotohanan. Ang mga katotohanang sagot sa mga tanong dito sa puso at isip ko.

Maraming nag tatanong bakit ako kinakabahan pag dating sa 'yo. Simple lang ang sagot, ayaw kong makita ko ang sarili kong nasasaktan, ayaw kong makita na talo ako dahil masakit yun. Mahirap bang intindihin yun?

Kelan ako magiging ganito? Kelan ka tatawag at kausapin ako? Kelan ko malalaman ang sagot na matagal ko nang inaasam na kukumpleto nang buhay ko? Kelan? Kelan? Ang sagot, di ko alam.

Alam ko malapit ka nang mag paramdam, alam ko parating na ang mga sagot na bumabagabag sa akin. At sana maging maganda ang resulta, sana di ako nabigo sa 'yo.

Am waiting for your call...

And I hope, as we talk soon... I can put smile on my face.

I just want to know, and I'm hoping that...............................

I PASSED THE NACC EXAM!

Hanggang ngayon wala paring tawag from school sa amin, If we did or we did not pass the licensure exam. I know, it's either this week or next week is the result.

I hope I/WE PASSED.

2 comments:

† Yods† said...

huwaw! emote talaga sa piktyur. parng moowdel lang a. hehe.

sana ng you passed the exam para tuloy tuloy ang kasiyahan.

goodluck! :)

vErAdiK said...

pag dasal mo yods na na ipasa ko ang exam! :)

model ba? hahaha, ang itim ko na jan pwamis! :)

thnx!